HADLANGAN ! ANG KAHARASAN
~ SA NABABALISA TUNGKOL SA PANANAKIT NG INYONG ASAWA ~
SANGGUNIAN Ang paghingi ng payo ay walang bayad at mahigpit na pag-iingatan ang inyong lihim.
●Upang Tulungan Ang Mga Asawang Pinagmamalupitan (Tanggapan Ng Sangguniang Pambabae Sa Lalawigan )
Tumawag sa:(0985)22-3858
【Sangguni sa Telepono】 | 【Sangguni sa Pakikipanayam】 |
---|---|
Lunes~ Biyernes – 9:00~20:30 Sabado at Linggo 9:00~15:00 | Lunes~Biyernes–9:00~18:00 |
(Sarado kung pista opisyal at umpisa o katapusan ng taon.) | (Sarado kung pista opisyal at umpisa o katapusan ng taon.) |
●Sanggunian Sa Pag-iingat Ng Pulisya
Tumawag sa : (0985)26-9110
【Telepono at Pakikipanayam】 |
---|
Lunes~ Biyernes–8:30~17:45 |
(Kung biglang pangangailangan kahit lagpas man sa oras.) |
●Kapisanan Ng Pandayuhang Pakikipag-ugnayan Sa Miyazaki
Tumawag sa :(0985)32-8457
【Oras Ng Pagtawag】 |
---|
Martes~ Sabado–10:00~19:00 |
(Sarado kung pista opisyal at umpisa o katapusan ng taon.) |
* Tumawag muna kung kayo ay sasangguni sa sariling wika. |
PANSAMANTALANG PANGANGALAGA Para Takasan Ang Pananakit.
Sa biglaang pangangailangan humingi ng tulong sa pinakamalapit na himpilan ng pulisya. At kami sa Sanggunian Para Tulungan Ang Mga Asawang Pinagmamalupitan (Tanggapan Ng Sangguniang Pambabae Sa Lalawigan) ay gagawa ng kailangang hakbang upang bigyan kayo ng pangangalaga laban sa inyong asawa.
ANG UTOS SA PANGANGALAGA Kung Ayaw Ninyong Lumapit Sa Nananakit.
Kapag kayo ay sinaktan sa katawan at dahil sa pananakit o may pangamba kayong ito’y may malubhang panganib sa inyong buhay o katawan ayon sa Batas Ng Hukuman kayo ay maaaring humingi ng kaukulang proteksiyon ( Ito ang utos ng anim na buwang ipagbabawal ang lapitan kayo, Utos ng dalawang buwang pagpapaalis ng inyong asawa sa bahay ).
This page is made possible with the sponsorship by the Council of Local Authorities takarakuji for International Relations (CLAIR) under the spread of public information scheme from lottery proceeds.
LALAWIGAN NG MIYAZAKI